Di Na Ako Kundi si Kristo

Magandang araw po! Eto po si Pastor Len Joson. Alam nyo po ba na tayo daw ay patay na at si Kristo na ang nabubuhay sa atin? Pag-usapan natin ‘to saglit:

Sinabi ni Apostol Pablo sa Galatia 2:20:

“Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.”

Ang sabi ni Apostol Pablo, kasama daw po siya ni Kristo na pinako sa krus. Nang mamatay si Kristo sa krus dahil sa ating mga kasalanan, kasama din daw po siyang namatay. Tayong lahat na mga tao ay nakasama rin kay Kristo sa kanyang pagkapako sa krus at tayong lahat ay patay na. Inako ni Kristo ang lahat ng ating mga kasalanan at siya ay namatay para sa atin.

Kaya daw po, hindi na tayo ang nabubuhay kundi si Kristo na — na nasa atin. Si Kristo na banal at matuwid ay siya nang nabubuhay para sa atin. Dahil dito, dapat lang na tayo ay sumang-ayon, sumunod at tumupad sa mga pagsusumamo, pag-gising, pagpukaw at pagpapa-alala sa atin ng Bahal na Espirito ni Kristo na nasa atin. Huwag po nating suwayin. Huwag po nating tanggihan. Huwag po nating kontrahin si Kristo sa pamamagitan ng kanyang Espirito na nasa atin na siyang gumagawa at tayo’y hinuhubog at binabago na maging katulad ni Kristo na banal at matuwid.

Dahil dito, sabi ni Apostol Pablo na siya daw po ay namumuhay na — na may buong pusong paniniwala at pananalig sa Anak ng Diyos. Buong-buo ang kanyang tiwala at pananalig na si Kristo na ang nabubuhay para sa kanya upang siya ay gawing ganap at kumpletong banal at matuwid. Lahat po ng eto ay ginagawa niya dahil sa laki ng kanyang pagmamahal sa ating lahat.

Eto po si Pastor Len Joson na nakikipagkuwentohan sa inyo tungkol sa Pagkakaisa at Pagkakasundo kay Hesu Kristo.

Pakinggan ang audio na mp3 dito po (2 min, 51 sec)

Background Music Credit: “What a Beautiful Sunset – radio mix!”
Exzel Music Publishing (freemusicpublicdomain.com)
Licensed under Creative Commons: By Attribution 3.0
http://creativecommons.org/licenses/by/3.0/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *