Marami nang mga tao ang naniniwala na sila ay sentensiyado na ng matinding paghatol ng Diyos, at ang natatanging paraan na lang upang ang Diyos ay magbago ng isip tungkol sa kanilang mga kasalanan, patawarin sila at muli silang mahalin ay kung pagsisisihan nila ang kanilang mga kasalanan at kung tatanggapin nila si Hesus.
Ang Magandang Balita
Pero ang magandang balita ay hindi ganyan ang sinasabi na meron tayong dapat gagawin bago ibigay ng Diyos ang kanyang grasya. Sa totoo lang, ang magandang balita ay nagsasabi sa atin na kay Hesu Kristo, ang Diyos na Ama ay pinagkasundo na niya sa kanya mismong sarili ang lahat ng mga bagay, kasama na ang tao.
Tingnan natin ang mga salita ni Apostol Pablo sa Colosas 1:19-20:
“Sapagka’t minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; at sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus.”
At sa 1 Juan 2:2, ito ang ating mababasa, tungkol kay Hesus:
“At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.”
Tapos Na Tayong Pinagkasundo
Si Hesus ay tapos nang ipinagkasundo ang lahat sa Ama, tapos nang gawin ang lahat ng kailangang gawin para sa kaligtasan ng tao, bago pa man at walang kinalaman ang ano pa mang pagpapahayag ng ating paniniwala sa Diyos.
“Datapuwa’t ipinagtagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” Sinulat ito ni Pablo sa Roma 5:8.
Ang Kaligtasan ay Libreng Regalo
Ang Diyos ay hindi tayo pinapatawad na kapalit ang ating pagsisisi at pananampalataya, na para bang isang kontrata sa negosyo. Minahal tayo ng Diyos at inaring kanya noong una pa man bago tayo ipinanganak. Ang kaligtasan ay isang regalo, libre at walang kondisyon, biyayang buong-buo at hindi nakukuha sa pamamagitan ng gawa.
Ang Diyos Ay Kumikilos sa Ating Puso
At dahil mahal na mahal tayo ng Diyos, kaya ang Banal na Espirito ay hindi tumitigil na kumilos sa ating mga puso, pinupukaw at hinihikayat tayo na tanggapin, kilalanin at akuin itong regalo—upang tayo ay tumugon sa pagmamahal ng Ama sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanyang salita at sa pag-aalay ng ating buhay at katapatan kay Hesu Kristo.
Sa 2 Corinto 5:20-21, sinulat ni Pablo na:
“Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa Dios. Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios.”
Pagsusumamo Upang Ating Tanggapin
Itong pagsusumamo upang magkasundo ay hindi pagsusumamo na may gagawin upang magkaroon ng pagkakasundo; kundi, ito ay pagsusumamo upang tanggapin at maranasan ang pagkakasundo na nandiyan na para sa iyo, sa pamamagitan ng pakikipagbalik-loob na may pananalig sa Diyos.
Gusto ng Diyos na ang lahat ng tao ay paniwalaan itong magandang balita, tanggapin ang kanyang pakikipagkasundo at pumasok sa maligayang bagong buhay kay Cristo sa pamamagitan ng Espiritu, at nakikilahok kay Cristo sa kanyang walang katapusang relasyon sa Ama.
Ang Gospel ay Magandang Balita
Ang gospel ay magandang balita. Ito’y magandang balita para sa lahat, at ito’y magandang balita para sa iyo.
Ako si Joseph Tkach, nagsasalita tungkol sa buhay.
This is a Tagalog translation of Reconciling the World, a Speaking of Life video message by Dr. Joseph Tkach.