Bakit Kailangang Mamatay si Hesus?

The Cross and the CrownMaraming Hudeo noong unang siglo ang umaasam sa pagdating ng Mesias. Dahil sa hirap na nararanasan nila sa ilalim ng mga Romanong armi na mapang-aping sumakop sa kanila, sila ay nagdarasal sa Diyos na bigyan sila ng lider—isang lider na magtatagumpay laban sa mga Romanong armi at muling ibalik ang isang bansang Hudeo sa pagiging mayaman, makapangyarihan at isang bansang malaya. Nagdarasal sila na isang Mesias ang mangunguna sa kanila patungo sa kabutihan, dahil nangako ang Diyos na ibabalik ang kanilang kayamanan kapag sila ay bumalik na sa tamang landas.

Ang mga Hebreyong propeta ay inihayag na noon pa man na may lider na ganito ang darating, isang tagapagmana sa trono ng dakilang si Haring David. May mga propesiya pa nga na nagpapahiwatig na ang unang siglo ay siyang takdang panahon ng kanyang pagdating.

Kaya nang marinig ng mga tao si Hesus na nangangaral, at nang makita nila ang mga milagro, inasahan na nila na siya na nga ang katuparan ng propesiya. May taglay siyang banal na kapangyarihan. Siya ang mangangaral ng katuwiran, ang kampeon ng mga mahihirap, at nangangaral siya tungkol sa pagpapalaya ng mga inaapi. Kaya nga ipinagbunyi nila si Hesus bilang tinadhanang anak ni David, at sila ay naglatag ng mga sanga ng palma sa daan nang siya ay pumasok sa Herusalem isang araw ng tagsibol.

Pero sa loob lang ng isang linggo, ang inaasahan nilang lider ay patay na—itinakwil ng kanyang sariling kalahi, at pinatay ng mga Romano, nakalambitin upang bigyan ng kahihiyan at pagkukutya, kagaya ng ibang mga nagpanggap na lider na Mesias. Ang mga pangarap at pag-asa ng mga naniwala sa kanya ay pansamantalang nawasak. Pero nang ikatlong araw, si Hesus ay nabuhay na muli—bumangon sa kaluwalhatian, at umakyat sa langit. Siya talaga ang Pinahiran, ang Matuwid, ang Banal ng Israel, ang Mesias ng Diyos.

Ang kamangha-manghang milagro ng pagkabuhay muli, na nakita ng ilang daang testigo na siya ay buhay, ay nagpapatunay na siya na ngang talaga ang ipinangakong Mesias. Pero meron pa ring bagay na hindi maunawaan—bakit kailangan pang mamatay ang Mesias?

Sigurado, ang kanyang kamatayan ay nagpapatunay na siya ay hindi matuwid—hindi ba? Walang kaduda-duda na hindi pababayaan ng Diyos ang kanyang piniling lider na akusahan ng mali, siraang puri, kutyain hanggang sa patayin ng kaaway! Hindi ba? Ano ang halaga ng lider na namatay, umalis at hindi na masundan?

Ang mga Hebreyong propeta ay inihayag na noon pa man, na ang Mesias ay mamamatay, pero ang kanilang mga propesiya ay hindi naintindihan. Plano nang talaga ng Diyos na ang Mesias ay magdurusa at mamamatay alang-alang sa kanyang mga kababayan. Alam ng Diyos na ang pinakamalaking kaaway ay hindi ang mga Romano—kundi ang kamatayan na siyang resulta ng kasalanan. Ang kasalanan at kamatayan ay hindi nalulupig ng mga espada at mga sibat, kundi sa pamamagitan lamang ng hindi makatarungang kamatayan ng banal na Tagapagligtas. Sa pamamagitan lamang ng pampalubag-loob na kamatayan ni Hesus sa krus ang kasalanan ay mapapatawad; sa pamamagitan niya lamang tayo ay mabibigyan ng buhay na walang hanggan.

Si Hesus ay nagdala ng biyaya para sa buong mundo, hindi lamang para sa isang maliit na bansa sa silangang bahagi ng Romanong imperyo. Ibinigay niya ang regalo ng pagkamatuwid at buhay na walang hanggan. Iyan ang dahilan kung bakit ang Mesias ay kailangang mamatay. “Kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan!” (Galatians 2:21). Ang pagkamatuwid ay hindi nakakamtan sa pamamagitan ng batas. Walang gaano pa man karaming seremonyas o pagtupad sa batas ang makakapagbayad sa katotohanang tayo ay nakalabag na sa batas at nasa ilalim na ng nararapat na parusa.

Si Hesus ay isang mangangaral ng pagkamatuwid, pero hindi niya niligtas ang bansa sa pamamagitan ng kanyang mga pangaral, kahit na siya ay perpekto. Iniligtas niya ang bansa—at mga tao sa lahat ng mga bansa—sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli.Siya ay isinumpa ng batas ng Hudeo at Romano at tinanggap niya ang sumpa ng batas ng bibliya (Galatians 3:13), pero dinala niya ang regalo ng pagkamatuwid at buhay na walang hanggan sa lahat ng mga naniniwala sa kanya.

Ang hukbong sandatahan ng mga Romano ay matagal nang nawala. Sa darating na panahon ang ating mga pagdurusa ay mawawala na rin. Kailangan nating tumanaw sa hinaharap hindi lang sa ngayon at ating unawain na ang ating pinaka-kaaway ay ang kasalanan at kamatayan. Kailangan natin ang Mesias na siyang lumupig sa kaaway, at siyang magbibigay sa atin ng tagumpay laban sa kaaway. Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng pinaka-karapatdapat na lider na kailangan natin—si Hesus, ang Mesias na namatay at nabuhay muli para sa buong mundo!

A Filipino traslation of “Why the Messiah Had to Die.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *